Juanillo
Salimbangon Jr. – Panig sa larong Basketball
Zyril
Jay Clavel – Panig sa larong Dota
Maia
Pileo – Namamagitan bilang Lakambini
Ano ang mas nakaka-aliw laruin ng mga kabataan
ngayon? Dota o basketball?
Lakambini
(Pambungad)
Halina’t
magmadali, dagliang makinig
Dito sa ating silid, balagtasa’y sumasahimpapawid
Kalimutan ang problema’t sa amin tumangkilig
Ngayong magpapatalbugan, ang siyang dalawang panig
Dito’y maiibsan ating kalungkutan
Matatamis niyong ngiti ating matutunghayan
Tiyak abot langit ang kasiyahan
Ang hatid naming sa inyong balagtasan
Para kay Ginoong Ariel Armada, na isang magaling na
guro
Sa balagtasa’y eksperto at mahusay magturo
Na ang aming paksa’y naaprubahang klaro
At ngayo’y
uumpisahan na naming ang pagtatalo
Si Maia Pileo po ito
Ang masiyahin at aktibong lakambini ninyo
Sa balagtasang magaganap rito
Isang matunog at maingay na palakpak hinihiling ko
Salamat sa inyong palakpak, ang hiling ko’y natupad
Ngayo’y makikita ninyo, labanan na walang katapat
Dalawang makata’y ngayo’y maghaharap
Sa tagisan ng talino, sino ang makakatikim ng sarap
Paksa ng balagtasang ito aking i-aanunsyo
Na ang tema ay ano nga ba ang mas nakaka-aliw laruin
ng mga kabataan ngayon?
Ang larong Dota o ang larong basketball?
Ang ating tatalakayin ngayon, sino kaya ang mananalo
Nang matapos ihayag ang paksang sasagutin
Ang dalawang maglalaban atin munang tatawagin
Si Juanillo Salimbangon Jr. ang siyang unang aakyat
sa entablado natin
Sa isang masigarbong palakpak siya ay ating
papasukin
Basketball
(Juanillo)
Ang basketball ay isang ehersisyo
Na isang kakayahang bigay ng panginoon
Ito po si Juanillo Salimbangon
Magandang umaga at maligayang pakikinig sa lahat
Lakambini
(Maia)
Taga-alabel Purok Maharlika po
Itong puting gwapo
Siya’y tumungo rito para mabigyan ng hustisya ang
paksang ito
At magdala ng kasiyahan sa madlang tao
At ngayo’y taga-alabel Purok tagumpay ang haharap sa
taong ito
Isang makata at kilala sa larangan ng pulitiko
Nandito sa entablado si Zyril Clavel po
Salubungin natin siya ng palakpakang masigarbo
Dota
(Zyril)
Salamat sa iyo binibining marikit
Ako naman ay babati ng masaya at walang galit
Kung sa kalaban ko’y basketball ang iginigiit
Kung sa basketball ay malupit, sa Dota nama’y sulit
Lakambini
Pagpapakilala pa lang ng mga magsasagupaan
Tila’y banat ng banat na agad ang labanan
At ito na nga magsisimula na ang awayan
Away ng lahi kung turingan
Para naman pananabik niyo’y maibsan
Ang engrandeng babagan
Ay ating sisimulan
Ngayo’y sisimulan ni pareng Juanillo ang away pang-makataan
Basketball
(Una)
Kalaban kong binata ay mukha’y seryoso
Baka ito’y iiyak kapag aking tinalo
Para naman kayo ang maaliw kalaban ko’y ilalampaso
At ito’y aking iaanunsyo at ipamumukha sa radyo
Ang larong Dota ay wag tangkilikin
Ito’y pambata at madaling laruin
Maglaro ng basketball para ika’y puriin
Mag-ensayo ng mabuti at ang laro’y mahalin
Sa Pilipinas, larong basketball ay masagana
Pero sa larong Dota, meron ka bang mapapala?
Kahit sa pagtingin ko pa lamang ito’y nakakawalang
gana
Kaya kung pipili kayo, wag pumanig sa Dota
Lakambini
At ngayo’y natunghayan niyo
Ang bagsik ng matang nasa harap niyo
At ngayo’y ating salubungin
Ang makatang bituing walang ningning
Dota
Ako po ang inyong makatang bituin
Na walang ningning kung ituring
Payat at walang silbi man sa inyong paningin
Manigas kayo sa mga salitang ibubuhos ng aking
damdamin
Aba kong akala mo matatalo mo ako
Mataas nga talaga ang pangarap mo
Kung sakaling matalo mo ako, aba’y ito’y isang
milagro
Kaya Maghanda ka na para sa huli mong kalbaryo
Kung ako sa iyo pare wag ka nang mangarap
Baka’y kinabukasan mo’y maging masaklap
Kung panalo ang iyong hangad
Hindi iyon mangyayari dahil ikaw ang babagsak
Lakambini
At at panig po ni Zyril ay inyong narinig
Mukhang mainit na yata ang labanan ng bawat panig
Bawat satsatan ay umuuyog ang daigdig
Sa susunod na tindig, ako na po ay sumasahimpapawid
Basketball
(Ikalawa)
Ang basketball ay magandang laruin ng mga kabataan
Dahil ito ay nakakatanggal ng dumi sa katawan
Mag-ingat sa larong basketball para di mauwi sa
disgrasyaan
Hindi lang ito basta laro o pangkasiyahan,
nakakalusog pa ito ng ating kalusugan
Anu ba ang mapapala sa Dotang walang silbi naman?
Isa lang itong laro na walang nagagawang mabuti sa
ating pangangatawan
Pag sa basketball naman, ehersisyo lang ang
kailangan
Para maging isang manlalaro sa bahay o paaralan
Kung di ka pa magaling, mag-ensayo ka
Katulad ko na parang pana kung tumira
Sapul sa butas tiyak ubos ang pinusta na pera
Naku ang daming pera, pag-uwi sa bahay ako ay
tuwang-tuwa
Dota
Kung basketball ang iyong papanigan
Simba ko lang lumpo ang kinalalabasan
At para naman mas lalo ninyong maunawaan
Ang mga posibleng disgrasyang maabutan
Bali sa kamay, pilay na binti
Sugpuin ang daliri!
Pre, maawa ka naman sa iyong sarili
Baka nasa huli ang yaong pagsisisi
Sariwain natin ang kasaysayang lumipas
Ang pangarap sa teknolohiya kailanma’y di kumukupas
Parating gustong i-angat sa mataas na antas
Kaya sa lakas ng teknolohiya, basketball ang iyong
itutumbas?
Lakambini
Mukhang nagbabaga yata ang labanan ngayon
Pang ala-National na hidwaan ng mga marunong
Kung sa laro’y pang high level mataas na antas
Lahat ay kanilang binigay, mula paa hanggang itaas
Sa sobrang init ng labanan
Kailangan ko ng maagang electric fan
Kung minsa’y mabulol maaring pagpasensyahan
Tao lang din sila na may karapatan
Ang ikalawang banat ay nagtapos ng mainit
Wag na nating pabayaan baka ito’y lumamig
Ang dalawang makata’y maglalaban ulit
Sino ang makakapasa sa pagsusulit?
Basketball
(Ikatlo)
Wag nang magsayang ng oras
Sa Dota ay umiwas
Lahat ng pera ay winawaldas
Mga gastador ng pera walang balasubas
Sa Dota pag natalo ka ika’y pagmumurahan
Isang larong walang pagmamahalan
Maglaro palagi ng basketball para mainsayo ang
inyong katawan
Walang pinipiling ng kalaban malaki o maliit man
Pag nanalo sa larong ito mga madla ay hahanga sayo
Wag uminit ang ulo pag natalo
Para maiwasan ang anumang gulo
O kaya nama’y sakit sa ulo
Dota
Ang larong Dota ay hindi masama
Kung paglalaro nito ay hindi sobra-sobra
Uminom ng gatas upang maging malusuging bata
Samahan mo pa ng gulay at prutas at tiyak ikaw ay
tataba
Kung sakaling ika’y maaksidente sa basketball
Ang isip mo dapat ay hindi mapurol
Sakit sa katawan ay wag igugol
Ang aking kalaban kay hirap makaintindi parating
nagmamaktol
Maging isang tunay na manlalaro
At tanggapin ang pagkatalo
Maging masayahin at wag mambabato
Para ang laro mo ay Ganado
Lakandiwa
Ang ating mga kalahok ngayon ay masyado naming
mahinawon
Sino kaya sa kanilang dalawa ang unang aahon?
Na galing sa kapeng lumamig sa panahon
Halina’t obserbahan natin ang kanilang pagbangon
Basketball
(Ikaapat)
Paano’t lulusog ang katawan?
Kung ang katawan ay parating nakababad sa
internetan?
Kumpara mo sa naglalaro sa basketbolan
Lahat ng tao doon ay tila may kapangyarihan
Mga tao sa internetan mga patpatin at mapapayat
silang tanan
Di nakapagtatakang isang halimbawa itong aking
kalaban
Hindi ito kaaya-ayang tingnan
Mga taong lampa nagkalat kahit saan
Dota
Ngayon pa lang ay akin na kitang babalaan
Wag hamunin ang taong patpatin kung tingnan
Baka di mo alam ito na ang karumal-dumal mong
katapusan
Sa hospital nalang ang daan
Di man malulusog na mga tao
Di naman masasagi sa disgrasya ang mga ito
Di maagang mamatay tulad ninyo
Bakit pa kasi sa basketball ang daming naloloko?
Basketball
(Ikalima)
Aba akala mo kung sinong naloloko?
Di ako katulad mo na ay naga-alboroto
Sa sobrang paggamit nito
Baka ito ay maluto
Naku ako na ang naawa sa mata mo
Baka pag nasobrahan ito
Utak mo ang i-fuego
Sabay putok nito tapos ang buhay mo
Dota
Naku abay mas mainam ang mata
Kaysa buong katawan mo ang matira
Tusukan ka ng Dextrose sa kamay mong kaliwa
At ipapasok ka sa CT scan dahil sa na-dislocate mong
baba
Naranasan mo na bang gumamit ng panaklay dahil sa
pilay mong binti?
Hihiga sa kamang malambot at humikbi?
Naku mas mabuti nang maglaro sa computer at manahimik
Kaysa sa humiga nalang parati sa hospital at umigik
Basketball
Naku wag ka nang umasang may makikinig sa panig mo
Baka ikaw lang ay mapahiya sa madlang tao
Dahil para sa kanila basketball ang mas paborito
Wala ka nang pag-asa kaya pwede ka nang sumuko
Dota
Nakakahiya naman kung isasawika mo ito sa
sangkatutak ng tao
Baka ikaw ay dudurugin lamang ng kamay ko
Alam mo naman mas panig sila sa Dotang laro ko
At hindi sa basketball mong asta mong paborito
Basketball
Ngayo’y panig ng basketball ang siguradong daugan
Sa basketball versus Dota tapos ang usapan
Dota
Sa landas ng tuwid na daan
Ang pupunta sa Dota ang nilalaruan
Basketball
Sa patalbugan ng dalawang panig
Ang basketball ang siguradong titindig
Dota
Nagkakamali ka yata sa sinasabi mo
Magingat-ingat ka’t baka ika’y mawala sa totoong
mundo
Basketball
Kalaban ko ay di lang patpatin, wala din palang
pag-iisip
Dota
Walang silbi ang malakas na katawan kung lasug-lasug
sa pagba-basketball ang katawan
Basketball
Basketball ang hubugin, tiyak magkakaroon kayo ng
katawang inyong pinapangarap
Dota
Walang napilayan sa paglalaro ng internet games
Lakambini
Akin na pong pipigilin ang satsatan ng mga makata
Ako naman lakambini ang ngayo'y magsasadula
Ang hiling ko'y patayin ang apoy ng awayan sa eksena
At atin munang palakpakan sila
Oras na para umeksena, upang kayo’y awatin
Magpahinga muna kayo at ang ulo’y palamigin
Muli po sa balana, masuyo kong hinihiling
Palakpakan ang dalawang naglaban ng buong giting!
Natapos nating limiin, ang matwid ng bawa’t isa
Sa hinayag na katwiran, ng makatang nagkahidwa
Ang paksa pong tinalakay, pahabol kong paala-ala
Ito’y usaping-panglalaki o kahit babae man
Ibig kong tukuyin makaluma man o moderna.
Sa panig ni Juanillo
Na para sa kanya’y basketball ang mas panalo
Basketball daw ang mas mainam laruin ng mga kabataas
sa nayon
Basketball daw ang mas sikat, laruin ng mga
matatalino
Sa panig naman ni Zyril na ang Dota’y pinapanigan
Dahil daw sa paglalaro nito ika’y sisikat at
hahangaan
Lahat raw ng tao sa yo mabibiliban
Tila may katwiran din ang makatang panig sa dotang
laruan
Kung sa paglalaro ng basketball ay magingat-ingat
naman
Para di maaksidente at mauwi sa duguan
Huwag uminit ang ulo dahil ito’y isang laro lamang
Baka ito’y mauwi sa suntukan
Kung ika’y naglalaro ng Dota ng wag itong sobrahan
Sakit sa mata ay mabilis kang dadapuan
Datapwa’t kung ikaw ay maglalaro naman
Pwede naman itong paminsan-minsan
Kung sa international sports basketball ang
kailangan
Datapwa’t kailangan din natin ng manlalaro sa online
hidwaan
Bagama’t ito’y mga laro lamang
Na ginagawang libangan ng sangkatauhan
Mag-aral muna’t pumasok sa eskwelahan
Kumain ng gulay at prutas para sa ating kinabukasan
Mag-aral ng mabuti upang maabot tayo sa ating
gustong patutunguhan
Sa dalawa ay wala kayong mahahangaan
Muli, ang paksa ay ano nga ba ang mas mainam laruin
ng mga bata sa kasalukuyan
Basketball ba o Dota ang panig na nagtaltalan
Muli, ako po si Maia Pileo ang pumagitna sa labanan
Patas po ang labanan, sila ay palakpakan!