My own made News Article for the news elimination (Filipino)
Feel free to comment and suggestions
200 milyong
Philippine Science High School Campus pagtatayo sa Koronadal
Namuhunan ang Department of Science and Technology (DOST) ng
humigit-kumulang 200 milyong piso para sa bagong Rehiyunal na Paaralan sa
Philippine Science High School (PSHS) na itatayo sa Koronadal City ayon sa
MindaNews noong June 21, 2012.
Isiniwalat ni Secretary Mario Montejo ang puhunan habang
pinangungunahan niya ang pormal na pagbubukas ng nasabing paaralan sa Huwebes
sa isang 4.5 hectaryang lupain.
Ang pagtatayo ng nasabing gusali ay kaagad na isasatupad
para masubaybayan ang pagtatapos nito bago ang napag-usapang pagbubukas sa June
2013.
Ang nasabing gusali na may lawak ng 4.5 hektarya na malapit
sa State-of-the-art Philippine National Halal National Laboratory and Science
Center of DOST-12 ay magiging kamukhang-kamukha sa proyekto sa isang kasunduan
sa DOST.
“Magtatayo kami ng isang kaaya-ayang paaralan rito, ang
paaralan na magkakaroon ng pinakamaganda at magarang pasilidad ng gusaling
arkitektura” sabi ni Montejo sa isang pres-konperesiya.
Sabi naman ni Dr. Josette Biyo, PSHS Sistemang Direktor, na
ang paaralang ito ay magkakaroon ng kumpletong pananaliksik, kagamitan sa
laboratory kasali na ang mga dormitory at pabahay ng mga kagamitan. Sinabi rin
niya na magkakaroon ito ng alternatibong paraan ng pag-aaral para matugunan ang
pangagailangan ng mga “gifted students”.
Namahagi naman ng pondo na umaabot sa hanggang limang
milyong piso sina Rep. Carol Jayne Lopez ng Youth Against Corruption and
Poverty (YACAP) at ang Panlalawigan na Gobyerno ng South Cotabato.
Inaprubahan ng DOST at ng PSHS Board ang pagtatayo ng PSHS
Campus sa Koronadal City. Ang PSHS isang spesyalisadong pampublikong
Sekundaryang paaralan na nakapokus sa isang mataas na kalidad ng edukasyon at
pagsasanay.
Sabi naman ni Biyo na magkakaroon ng pinaka-unang seleksyon
para sa mga unang siyamnapu na escolar sa PSHS Soccsargen campus.