Linggo, Hulyo 8, 2012


My own made News Article for the news elimination (Filipino)
Feel free to comment and suggestions


200 milyong Philippine Science High School Campus pagtatayo sa Koronadal



Namuhunan ang Department of Science and Technology (DOST) ng humigit-kumulang 200 milyong piso para sa bagong Rehiyunal na Paaralan sa Philippine Science High School (PSHS) na itatayo sa Koronadal City ayon sa MindaNews noong June 21, 2012.

Isiniwalat ni Secretary Mario Montejo ang puhunan habang pinangungunahan niya ang pormal na pagbubukas ng nasabing paaralan sa Huwebes sa isang 4.5 hectaryang lupain.

Ang pagtatayo ng nasabing gusali ay kaagad na isasatupad para masubaybayan ang pagtatapos nito bago ang napag-usapang pagbubukas sa June 2013.

Ang nasabing gusali na may lawak ng 4.5 hektarya na malapit sa State-of-the-art Philippine National Halal National Laboratory and Science Center of DOST-12 ay magiging kamukhang-kamukha sa proyekto sa isang kasunduan sa DOST.

“Magtatayo kami ng isang kaaya-ayang paaralan rito, ang paaralan na magkakaroon ng pinakamaganda at magarang pasilidad ng gusaling arkitektura” sabi ni Montejo sa isang pres-konperesiya.

Sabi naman ni Dr. Josette Biyo, PSHS Sistemang Direktor, na ang paaralang ito ay magkakaroon ng kumpletong pananaliksik, kagamitan sa laboratory kasali na ang mga dormitory at pabahay ng mga kagamitan. Sinabi rin niya na magkakaroon ito ng alternatibong paraan ng pag-aaral para matugunan ang pangagailangan ng mga “gifted students”.

Namahagi naman ng pondo na umaabot sa hanggang limang milyong piso sina Rep. Carol Jayne Lopez ng Youth Against Corruption and Poverty (YACAP) at ang Panlalawigan na Gobyerno ng South Cotabato.

Inaprubahan ng DOST at ng PSHS Board ang pagtatayo ng PSHS Campus sa Koronadal City. Ang PSHS isang spesyalisadong pampublikong Sekundaryang paaralan na nakapokus sa isang mataas na kalidad ng edukasyon at pagsasanay.

Sabi naman ni Biyo na magkakaroon ng pinaka-unang seleksyon para sa mga unang siyamnapu na escolar sa PSHS Soccsargen campus.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento