Sabado, Pebrero 23, 2013

Learn to understand :(

Sometimes I wonder "bakit kaya ang daming mga babaeng magaganda pero mga suplada naman ngayon?"
Panu nalang kaya kung maganda or gwapo ka?
pero ang ugali mo naman ay may problema?
dba pareho lang?
ang maganda pero maldita=pangit pero mabait
ganyan kasi minsan ang tao

minsan kahit di nila iniintindi ang sitwasyon
basta't alam nila na sila talaga ang tama
kahit di naman
lahat tayong tao ay may mali sa ating ginagawa
minsan nga lang talaga yung mga taong mataas ang pride
ay di marunong umintindi
basta kung ano ang paniniwala nila, alam nila na tama talaga yun


Minsan kasi spoiled talaga ang mga babae
pag may ginawa ka na di nila gusto
ayun, satsatan naman ang lalaking walang kamalay-malay
ni hindi mo nga alam bakit ka sinatsatan
At minsan, pag nasagi ka sa barkada ng mga babae
eh, kung sino yung crush ng isa nilang miyembro
ipagpipilitan talaga nila yung babae dun sa lalaki
minsan eh nakakasakit na

Minsan din eh, ang masakit na part sa mga lalaki
ay yung pinaglalaruan lang sila
na para bang ina-alipin sila
na kung ano yung gusto ng babae
ay akala na nila masusunod na
minsan kailangan din ng lalaki ng panahon
kaya tinatago niya ang kanyang mga feelings at nararamdaman
kahit na sakit na sakit na ito

Minsan sa barkada ng mga babae, lalong lalo na pag valentines
eh araw ng mga puso eh
yung mga crush ng mga kabarkada nila ay pinagtutulakan
tapos may chain2x pa
tapos minsan kawawa rin yung kapwa nila miyembro
kasi pinagtutulakan pa nila
and yung boy na di rin papayag
ay babaunan nila ng galit
at ayun, maiiwan sa saktan yung lalaki

Alam mo anong problema sa mga babae
yung iba, di nila alam paano at kung kailan sila nakasakit ng tao
nagpapadalos-dalos lang sila
tuloy parin sa pagtakbo kahit may naapakan na
basta ang alam lang nila ay ang sarili nila
kami mga boys, paganito-ganito lang
mga maldito at suplado man kung ituring ninyo
may puso at nasasaktan din tulad ninyo
minsan nga eh sasampalin pa ang mga lalaki, oh kaya ay pektusan
buti nga di na sinusuntok ng mga lalaki
dahil alam nila na may limitasyon silang gawin ang mga gawaing iyon

Sa mag-asawa, minsan nga ang babae talaga ang una nanakit sa lalaki
pag nagalit man ang lalaki, malaki talaga iyong problema
pero sa huli nagkaka-intindihan naman sila
sana ganyan din lahat ng tao eh
marunong mag-intindi
alam nila kung may natatatapakan sila
alam nila kung hanggang saan ang limitasyon nila
alam din nila kung may nasasaktan sila
alam din nilang umintindi sa nararamdaman ng tao
kung ganyan lang man sana ang lahat ng tao sa mundo
wala na sigurong away dito sa mundo
kung marunong lang silang umintindi


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento